bestfriend
May bagay na kay hirap unawain
Mga sandaling di mo akalain
Gusto nang sumuko ngunit di na pwede
Kailangan itong harapin
Wag mawalan ng pag-asa
si Hesus lagi ang kasama
tapat na kaibigan
at maaasahan sa oras ng kagipitan...
Si Hesus ang bestfriend ko
Laging nandyan, di nagbabago
Pwede rin siyang maging bestfriend mo
Mahal tayo ni Kristo...
Yan ang totoo!
Iba si Hesus na kaibigan
Takbuhan at malalapitan
Di gaya ng iba na parang bula
Bigla na lang nawawala
Kaya't wag ng mag-alala
Dahil si Hesus ay laging handa
Kailangan lang ay magtiwala ka
Ialay ang buhay mo sa kanya