basag...
ang itlog, kelangang mabasag para makakain tayo ng masarap na sunny side up,
o kaya naman ay scrambled eggs,..
at marami pang pdeng gawin dito pag nabasag na ito...
ang kawayan, kelangang mabasag o mahati para tuluyan maging kagamit-gamit
sa paggawa ng furnitures, pamalo, pamingwit,..
at marami pang pdeng gawin dito pag nabasag na ito...
ang diamante, kelangang mabasag para mag-fit sa mga intended purposes nito, pdeng alahas,
pang-display lang, sculptures,.. at marami pang pdeng gawin dito pag nabasag na ito...
ang katahimikan, kelangang mabasag para magkaroon ng daan ang komunikasyon
pagitan ng dalawang tao that may lead to an acquaintance, friendship, closer friendship,
deeper friendship,.. at marami pang pdeng gawin dito pag nabasag na ito...
ang puso, kelangang mabasag para matuto, para mag-mature, para magamit sa mas higit
na dakilang bagay... ang magmahal nang lubos.. loving unconditionally...
... at marami pang pdeng gawin dito pag nabasag na ito...
1 Comments:
hindi naman kailangang mnabasg ang puso para matutuo o di kaya'y para magmahal muli (yuck, korny.hehe)... anyway, siguro dapat ay careful ka kung kanino mo ito ishe-share, nang hindi mabasag... ar pag hard boiled egg, di kailangan basagin pa ang egg.hehe
Post a Comment
<< Home