Saturday, August 13, 2005

T O R P E

nagsimula sa isang tingin
sinundan ng matamis na ngiti
wangis ng iyong mukha'y
'di maiwaksi sa aking isip

ano bang pwedeng gawin
nitong aking damdamin?
sa iyo lamang tumitingin
ayaw malayo sa iyong piling

anong klaseng mahika
ang iyong tinataglay?
ang puso't isipan ko'y
nabihag ng walang malay

ngunit sa tuwing kikilos
para akong nakagapos
nanlalamig, nauutal
katapanga'y kinakapos

0 Comments:

Post a Comment

<< Home