Friday, March 25, 2005

semana santa

napanood ko kagabi yun movie sa tv na "sa kandungan ng langit"...
tungkol yun sa isang lalaking naghahanap ng direksyon sa buhay.
pumunta siya sa Bethesda, dun dinadala yun mga ketongin galing sa
Tala Leprosarium. nandun siya para gumawa ng docu tungkol sa mga
ketongin. siyempre nadidiri siya. to make the long story short, na-realize
niya na mas malala pa siya dun sa mga ketongin. meron sakit na sumisira
hindi sa kanyang kaanyuan, kundi sa kanyang katauhan. meron siyang
mga bagay na hindi pa rin gumagaling. nakita niya ang kanyang sariling
nabubulok sa uod ng kasalanan..

...minsan kasi nakakalimutan natin na meron din tayong mga kakulangan..
..at madalas, sinusumbat natin to sa iba...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home