kahit na...
pagmasdan mo ang langit na dati ay kay tahimik
ngayon ang ulan ay bumubuhos nanaman
at ang bawat patak ay kay sakit
paano hahawiin ang mga ulap sa hangin?
kelan darating ang araw na magkikitang muli?
kahit na anong gawin, kahit saan ako tumingin
laging sa iyo bumabalik ang sigaw ng pag-ibig
kahit ano pang pilit na dayain ang damdamin
kailangang tanggapin na kailanman ika'y hindi na sa 'kin
ngayon ako'y naiwan, basang basa sa ulan
patuloy na lumalakad, di alam ang pupuntahan
pilit iniiwasan ang mga patak ng ulan
pilit tinatakasan mga bakas ng nakaraan...
0 Comments:
Post a Comment
<< Home